Basehan
|
Tanka
|
Haiku
|
Tanaga
|
Bilang ng taludtod
|
May limang taludtod
|
May tatlong taludtod
|
May
apat na taludtod
|
Bilang ng pantig sa bawat
taludtod
|
7-7-7-5-5
o pwedeng magpalit-palit basta ito ay may kabuuang tatlumpu’t isang pantig.
|
5-7-5
o pwedeng magpalit-palit basta ito ay may kabuuang labimpitong pantig.
|
7-7-7-7
na may kabuuang dalawampu’t walong pantig.
|
Paksa
|
Pumapaksa sa pagbabago,
pag-iisa at pag-ibig.
|
Kadalasang tungkol sa kalikasan
at Pag-ibig
|
Nagpapahayag ng kaisipan.
|
Malalim na ang Gabi
Lunes, Setyembre 22, 2014
Aralin 2.1: Ang Tanka, Haiku at Tanaga
Aralin 2: Kaligirang Pangkasaysayan ng Tanka at Haiku
Kaligirang Pangkasaysayan ng Tanka at Haiku
Isinalin sa Filipino ni M.O. Jocson
Ang pinakaunang Tanka ay nasa kalipunan ng mga tula na tinawag na Manyoshu o Collection of Ten Thousand Leaves, isang antolohiya na naglalaman ng iba’t ibang anyo ng tula na karaniwang binibigkas at inaawit ng nakararami.
Sa panahong lumabas ang Manyoshu, kumawala sa makapangyarihang impluwensiya ng sinaunang panitikang Tsino ang mga manunulat ng Hapon. Ang mga unang makatang Hapon ay sumusulat sa wikang Tsino sapagkat eksklusibo lamang ang wikang Hapon sa pagsasalita at wala pang sistema ng pagsulat. Sa pagitan ng ikalima hanggang ikawalo siglo, isang sistema ng pagsulat ng Hapon ang nilinang na mula sa karakter ng pagsulat sa Tsina upang ilarawan ang tunog ng karakter ng Hapon. Tinawag na Kana ang ponemikong karakter na ito na ang ibig sabihin ay “hiram na mga pangalan”.
Noong panahong nakumpleto na ang Manyoshu, nagsimulang pahalagahan ng mga makatang Hapon ang wika nila sa pamamagitan ng madamdaming pagpapahayag. Kung historikal ang pagbabatayan, ipinahahayag ng mga Hapon na ang Manyoshu ang simula ng panitikan nilang nakasulat na matatawag nilang sariling-sarili nila.
Maiikling awitin ang ibig sabihin ng Tanka na puno ng damdamin. Bawat Tanka ay nagpapahayag ng emosyon o kaisipan. Karaniwang paksa naman ang pagbabago, pag-iisa, o pag-ibig. Tatlumpu’t isa ang tiyak na bilang ng pantig na may limang taludtod ang tradisyunal na Tanka. Tatlo sa mga taludtod ay may tigpitong bilang ng pantig samantalang tiglimang pantig naman ang dalawang taludtod. Nagiging daan ang Tanka upang magpahayag ng damdamin sa isa’t isa ang nagmamahalan (lalaki at babae). Ginagamit din sa paglalaro ng aristocrats ang Tanka, kung saan lilikha ng tatlong taludtod at dudugtungan naman ng ibang tao ng dalawang taludtod upang mabuo ang isang Tanka. Gaya nga nang naipahayag na sa unang bahagi ng tekstong ito, noong ika-15 siglo, isinilang ang bagong anyo ng pagbuo ng tula ng mga Hapon. Ang bagong anyo ng tula ay tinawag na Haiku.
Noong panahon ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas lumaganap nang lubos ang Haiku. Binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludturan. Ang pinakamahalaga sa Haiku ay ang pagbigkas ng taludtod na may wastong antala o paghinto. Kiru ang tawag dito o sa Ingles ay cutting. Ang kiru ay kahawig ng sesura sa ating panulaan. Ang Kireji naman ang salitang paghihintuan o “cutting word”. Ito ay kadalasang matatagpuan sa dulo ng isa sa huling tatlong parirala ng bawat berso. Ang kinalalagyan ng salitang pinaghintuan ay maaaring makapagpahiwatig ng saglit na paghinto sa daloy ng kaisipan upang makapagbigay-daan na mapag-isipan ang kaugnayan ng naunang berso sa sinundang berso.
Maaari rin namang makapagbigay - daan ito sa marangal na pagwawakas. Ang mga salita na ginagamit ay maaaring sagisag ng isang kaisipan. Halimbawa ang salitang kawazu ay “palaka” na nagpapahiwatig ng tagsibol. Ang higure naman ay “unang ulan sa pagsisimula ng taglamig”. Mahalagang maunawaan ng babasa ng Haiku at Tanka ang kultura at paniniwala ng mga Hapon upang lubos na mahalaw ang mensaheng nakapaloob sa tula.
Aralin 1: Pandiwang Panaganong Paturol
-
Ginagamit ang Pandiwang
Panaganong Paturol upang malaman ang aspekto ng pandiwa. Sabi nga, hindi mo
masasabing pandiwa ang isang kilos kung wala itong aspektong nagpapahayag kung kailan
ito naganap.Ang lahat ng uri ng pandiwa ay nababanghay para sa aspekto, at ito
ay ang :
·
Perpektibo- nagsasaad na naganap na
ang isang kilos.
Halimbawa:
Kumuha
ng pera si Justine sa bangko.
·
Imperpektibo- nagsasaad na ang kilos
ay kasalukuyang nagaganap o ginagawa.
Halimbawa:
Nagsusulat ang mga mag-aaral
habang nagtuturo ang guro.
·
Kontemplatibo- nagsasaad
na ang kilos ay gagawin pa lamang.
Halimbawa:
Mag-eensayo kami ng sayaw
pagkatapos ng klase.
·
Katatapos lang- nagsasaad
na ng kilos ay katatapos lang.
- nabubuo ito sa pagsasama
ng panlaping ka+ pag-uulit ng unang panting ng salitang –ugat+salitang –ugat.
Halimbawa:
Kaiinom ko lang ng gamot.
-
Mahalaga
ang paggamit ng Pandiwang Panaganong Paturol, ito ay dahil sa nalalaman natin
kung kailan naganap ang kilos sa isang pangugusap. Hindi man natin napapansin
na kung minsa’y nagagamit natin ito, hindi naman natin maitatangi na mahalaga
ang papel na ginagampanan nito s Panitikang Pilipino.
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)